Araw Araw na Sakit ng Ulo sa Pilipinas
- Winnie Sharon Lim Khoo MD Neurologist
- Nov 22
- 1 min read

Ang Daily Persistent Headache (DPH) o mas kilala bilang “araw-araw na sakit ng ulo” ay isang uri ng tuloy-tuloy na sakit ng ulo na biglang nagsisimula at nangyayari araw-araw, na may mga sintomas na parang migraine o tension-type headache. Karaniwan itong nararamdaman bilang paninikip o pressure sa ulo, kadalasan sa magkabilang bahagi, pero minsan ay sa isang gilid lang o sa isang partikular na lugar.
Ang mga taong may DPH ay madalas makaranas ng hirap sa pagtulog, pagkahilo, pananakit ng katawan, pati paglala ng anxiety at mood changes, na maaaring magdulot ng pagliban sa paaralan o trabaho. Maaari rin itong magmukhang chronic migraine, lalo na kung may kasamang pagkalabo ng paningin, pagsusuka, o sensitivity sa ilaw at tunog. Minsan naman, parang tension headache lang ito na mas banayad.
Walang tiyak na gamot para sa DPH, kaya’t ang paggamot ay base sa kung anong uri ng sakit ng ulo ito kahawig—madalas ay chronic migraine o tension-type headache. Kabilang sa mga pangunahing paraan ng paggamot ang lifestyle modification, tamang edukasyon tungkol sa kondisyon, preventive medication, at pag-iwas sa araw-araw na pag-inom ng painkillers. Ang gamot sa sakit ng ulo ay depende sa tindi at sanhi. Maaaring gamitin ang paracetamol, ibuprofen, o naproxen, pero sa madalas na migraine, kailangan at importante ang reseta at payo ng neurologist or doctor.































Comments